Sa panahon ngayon, bihira ka lang makahanap ng taong tapat at maaasahan. Kaya naman, masuwerte si Pangulong Ferdinand “Bongbong Marcos Jr. at mayroon siyang isang Gerald Dequina na nananatiling loyal at mapagkakatiwalaan nitong opisyal.

Ang pagiging loyal ni Dequina ay tila patuloy niyang pinatutunay dahil sa tuwing may babatikos kay PBBM ay siya ang nauunang lumalaban.

Patunay dito ang pakikipagsagutan ni Dequina sa social media sa mga kritiko ng Pangulo.

Ang pagkakaibigan at samahan ng pamilya Marcos at Dequina ay nagsimula pa noong 1960 sa lolo ni Gerald na noon ay hindi pa siya pinapanganak at ama ni PBBM na si dating Pangulong Ferdinand E. Marcos, Sr.

Si Dequina ay nagsilbing political officer ni Pangulong Marcos noong siya ay senador pa at sa pagtakbo nito sa pagka-bise presidente ay kasa-kasama niya si Dequina.

Halos walang tulugan o 24/7 silang magkasama ng Pangulo maliban lamang sa iisang kamang tinutulugan kung kaya’t kayang-kayang patunayan ni Dequina na tapat at hindi magnanakaw ang Pangulo taliwas sa ibinabato ng mga kritiko.

Ganoon din ay kayang-kayang patunayan ni Dequina na hindi adik o gumagamit ng ilegal droga ang Pangulo at bilang patunay aniya ay galit na galit ang Pangulo sa tuwing makaka-amoy ito ng usok lalo na ng sigarilyo.

Kuwento ni Dequina, ang totoong Bongbong Marcos ay mabait at mapagmahal sa mga bata, lalo na sa mga senior citizen, patunay dito ang kanyang pag-aaruga sa kanyang ina na si dating Unang Ginang Imelda R. Marcos.

Hindi rin naitago ni Dequina ang pagtataka kung saan humuhugot ang mga taong tumutuligsa at nag-aakusa sa Pangulo gayong maayos naman ang trabaho nito at ginagawang paninilbihan sa bayan.

Kaya ngayon, kahit nagsisilbi si Dequina sa Department of Labor and Employment (DOLE) sa ilalim ng pamumuno ni Secretary Francis “Tol” Tolentino ay hindi nawawala ng loyalty sa Pangulo at pamilya nito.

At hindi siya nagdadalawang-isip na tumugon sa tawag at paanyaya ng First family lalo na sa mga magagandang programa nito para sa bayan tulad ng Love Caravan at pamamahagi ng tulong sa bawat mamamyang Pilipino.

Tiniyak ni Dequina na hindi siya magsasawang ipaglaban o ipagtanggol ang Pangulo at First Family laban sa mga taong nag-aakusa ng mali at pilit na sinisira ang pagkatao ng Pangulo at kanyang pamilya.

Siniguro rin ni Dequina na hindi siya maglalakas loob na magpa-unlak ng mga panayam patungkol sa Pangulo at sa pamilya nito kung talagang hindi ito mabuting tao.

Itinalaga ni PBBM si Dequina sa DOLE para makatuwang ni Tolentino na itaguyod ang ikabubuti at kapakanan ng mga manggagawang Pilipino.

The post Loyalty kay PBBM first appeared on Tonite - Abante.