Inihayag kahapon ng Ateneo de Davao University (AdDU) kanila nang tinanggal ang estudyanteng umano’y nakumpirma sa pambu-bully matapos ang isinagawang imbestigasyon.
Sa isang pahayag na inilathala sa kanilang social media account, sinabi ng unibersidad na natapos na nito ang mga prosesong pandisiplina kaugnay ng estudyanteng napatunayang responsable sa insidente ng pambu-bully sa Junior High School student.
Sinabi ng paaralan na agad itong naglunsad ng imbestigasyon nang makatanggap ng impormasyon tungkol sa insidente ng pambu-bully.
“Violence and bullying have no place at Ateneo de Davao University. Those responsible for harming others will be held accountable, with due process. Our commitment to accountability is inseparable from our mission of care and formation,” nakasaad sa pahayag na inilabas ng unubersidad.
Binigyang-diin ng unibersidad na ang mga responsable sa anuman pananakit o pambu-bully ay may angkop na proseso.
Gayunpaman, itinago ng AdDU ang impormasyon tungkol sa pagkakakilanlan ng mga sangkot dahil hinimok din nito ang publiko na panatilihin ang privacy ng mga menor de edad na sangkot sa insidente.
Sinabi ng unibersidad na lumikha ito ng isang task force sa pag-iwas sa bullying at ligtas na kapaligiran sa pag-aaral upang suriin kung paano naiulat, natugunan, at nasunod ang mga alalahanin sa bullying, noon at ngayon, upang mapabuti ang mga pananggalang at sistema ng pagtugon nito.
The post Ateneo sinipa estudyanteng bully first appeared on Tonite - Abante.






